(Kabacan, North Cotabato/August 28, 2012) ---Sugat sa kamay at galos sa likod ang tinamo ng isang menor-de-edad
matapos paghahampasin ng kawayan ng sarili nitong ama sa barangay Dagupan,
Kabacan, North Cotabato, bandang alas kwatro ng hapon, kamakalawa.
Si Don-don, di niya tunay na pangalan, ay nakita ng ilan niyang
kapitbahay na sinasaktan ng ama.
Ayon sa kwento ni Don-don, noong Enero lamang siya kinuha ng kanyang ama
mula sa kanilang kamag-anak matapos siya nitong ipa-ampon.