NEWS UPDATES
▼
Isang tubong Kabacan, North Cotabato kasama sa apat na mga dinukot ng mga armadong refugee’s sa bansang Kenya
(Kabacan,
North Cotabato/July 1, 2012) ----
Isa pang bangkay natagpuan sa oil palm plantation ngayong umaga sa Brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato
(Kabacan,
Cotabato/June 26, 2012) ----Isa na namang bangkay ang natagpuan ng mga residente
ng Purok Namnama, Brgy Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 10:00 kaninang umaga, di
kalayuan sa lugar kungsaan natagpuan ang bangkay ni Tatugan Kadil kagabi.
Ayon
kay PCI Tirso Pascual ng Kabacan PNP nakita ang bangkay malapit sa ilog ng
nasabing brgy. partikular sa Pamplona oil palm plantation.
Lalaki na pinaniniwalaang binaril; natagpuang patay sa tabi ng ilog na nasa oil palm plantation sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato
(Kabacan, Cotabato/June 26, 2012) ---Bulagta
at nakahandusay ang bangkay ng isang lalaki ng matagpuan sa oil palm plantation
na nasa tabi ng ilog sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:25 kagabi.
Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan
PNP agad na kinilala ng kanyang kamag-anak ang biktima na si Tatugan Kadil,
nasa tamang edad, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Chrislam 1 ng
nabanggit na lugar.
Subscriber ng Northwest Cable TV, umalma matapos singilin sa pay per view sa nagdaang laban ni Pacquiao; pamunuan ng nasabing Cable Network nagpaliwanag
(Kabacan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Nagtaka
ang mga subscribers ng Northwest Cable TV Network ng singilin sila ng nasabing
cable service provider ng dagdag na P50.00 para sa kanilang pay per view sa
nagdaang laban ni Manny Pacquiao.
Isa na dito si Ginoong Francisco Garcia na residente
ng Brgy. Osias, Kabacan makaraang wala naman umanong abiso ang nasabing cable
network na magdadagdag sila ng singil sa nasabing laban, lalo pa’t apat ang
cable line nito.
Tubig na nag-baback-flow sa ilang mga residente sa Purok, Masagana, Pobalacion, Kabacan; nirereklamo ng mga residente
(Kabacan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Niluluto
na ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang inilatag nilang solusyon sa
matagal ng nirereklamong tubig baha na umaapaw sa mga residente ng Purok
Masagana, Poblacion, Kabacan.
Ito ang tugon ng engineering office ng LGU,
matapos na ireklamo ito ng mga residente sa lugar ang pag-back-flow ng tubig na
galing sa irigasyon papunta sa mga pamamahay ng nabanggit na residente.
(Update) KFR malayong dahilan sa panibagong pagdukot sa isang dalagita sa Aleosan, North Cotabato
(Aleosan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Malaki
ang paniniwala ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya na hindi kidnap for Ransom ang
panibagong insedente ng kidnapping na naganap sa Brgy. Pagangan 2 sa bayan ng
Aleosan, North Cotabato alas 7:00 ng umaga kahapon.
Batay sa report ni 6th Division
Public affairs chief Col. Prudencio Asto, kinilala ang biktima na si Angeline
Ferenal, 17 at residente ng nabanggit na lugar kungsaan naglalakad umano si Ferenal
papunta ng eskwelahan ng dukutin ng dalawang mga armadong kalalakihan at dinala
sa bahagi ng Brgy. Lagundi, Pikit, Cotabato.
Agriculture facility hiniling ng mga magsasaka sa Carmen, North Cotabato
(Midsayap, North Cotabato/June 26, 2012) ---Hiniling
ng Nagkakaisang Samahan ng mga Magsasaka ng MalMar o NAGKASAMMA sa Department
of Agriculture na kung maari ay mabigyan sila ng isang multi- purpose pavement.
Ipinaabot ng natukoy na farmers’s
association ang kanilang kahilingan noong June 19 ng taong kasalukuyan kung saan
matatandaang pinangunahan ni DA Sec. Alcala ang inagurasyon ng dalawang
irrigation projects sa Pikit, North Cotabato, ito ayon sa report ni PPALMA News
Correspondent Roderick Bautista.
17-anyos na dalagita kinidnap sa Aleosan, North Cotabato
(Aleosan, North Cotabato/June 25, 2012) ---Isang
17-anyos na dalagita ang dinukot ng dalawang armadong lalaki sa Brgy. Pagangan
2 sa bayan ng Aleosan, North Cotabato alas 7:00 ng umaga kanina.
Mga Rubber tapper sa North Cotabato; nagsagawa ng kilos protesta hinggil sa pagbulusok sa presyo ng goma
(Makilala,
North Cotabato/June 25, 2012) ---Daan-daang mga rubber tappers mula sa North
Cotabato ang nagtipon sa harap ng Makilala hall sa bayan ng Makilala upang
hingin sa pamahalaang lokal na mamagitan sa diumano’y pagbulusok ng presyo ng
goma.
Ang
mga nagsagawa ng kilos protesta ay mga kasapi ng Free rubber Tappers
Association na binuo nitong taong 2009.
Most Wanted Person sa bayan ng Carmen, arestado ng pinagsanib na pwersa ng Carmen at Libungan PNP
(Carmen,
North Cotabato/June 25, 2012) ---Arestado ng pinagsanib na operasyon ng Carmen
PNP na pinamumunuan ni PCI Jordine Maribojo at PCI Junggaya ng Libungan PNP ang
pinaniniwalaang most wanted na personasahe sa bayan ng Carmen.
Kinilala
ng pulisya ang suspek na si Virgilio Dumaboc, 65, residente ng Kibudtungan ng
nabanggit na bayan na na timbog sa nasabing operasyon ala 1:10 ng hapon nitong
Sabado sa Brgy. Dimapaco sa bayan ng Libungan.
Panibagong motorcycle theft; naitala ng Kabacan PNP; driver muntik ng mabaril
(Kabacan,
North Cotabato/June 25, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga armadong kalalakihan
ang isang motorsiklo sa bahagi ng brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ng
gabi nitong Sabado
.
Batay
sa report ng Kabacan PNP minamaneho ni Emer-Ji Cosmiano, 18 residente ng
nabanggit na lugar ang isang kulay itim na XRM na motorsiklo na may plate no.
6595-OJ kasama ang sakay nitong nakilalang si Dave Bornia ng parahin ng mga
armadong suspek ang mga ito habang binabaybay ang Brgy. Dagupan road partikular
sa Purok Chrislam.
Panibagong motorcycle theft; naitala ng Kabacan PNP; driver muntik ng mabaril
(Kabacan,
North Cotabato/June 25, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga armadong kalalakihan ang isang motorsiklo
sa bahagi ng brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ng gabi nitong Sabado.
Batay
sa report ng Kabacan PNP minamaneho ni Emer-Ji Cosmiano, 18 residente ng
nabanggit na lugar ang isang kulay itim na XRM na motorsiklo na may plate no.
6595-OJ kasama ang sakay nitong nakilalang si Dave Bornia ng parahin ng mga
armadong suspek ang mga ito habang binabaybay ang Brgy. Dagupan road partikular
sa Purok Chrislam.