NEWS UPDATES

Most Wanted Person sa bayan ng Carmen, arestado ng pinagsanib na pwersa ng Carmen at Libungan PNP

(Carmen, North Cotabato/June 25, 2012) ---Arestado ng pinagsanib na operasyon ng Carmen PNP na pinamumunuan ni PCI Jordine Maribojo at PCI Junggaya ng Libungan PNP ang pinaniniwalaang most wanted na personasahe sa bayan ng Carmen.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Virgilio Dumaboc, 65, residente ng Kibudtungan ng nabanggit na bayan na na timbog sa nasabing operasyon ala 1:10 ng hapon nitong Sabado sa Brgy. Dimapaco sa bayan ng Libungan.

Si Dumaboc ay matagal ng pinaghahanap sa batas dahil sa kinakaharap nitong kasong act of lasciviousness o panghahalay.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na docketed under crime case no. 5710-c na inisyu ni Judge  De Guzman Dated July 29, 2004.

Matapos ang close surveillance ng itinatag na tracking team ng Carmen PNP ay naaresto na rin sa wakas ang nasabing wanted na personahe. (Rhoderick Benez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento