NEWS UPDATES

Negosyante, biktima ng robbery hold-up sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 26, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga suspek ang motorsiklo na pagmamay ari ng isang 34-anyos na negosyante sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan kungsaan naganap ang insedente malapit sa Mediatrix establishment alas 3:50 ng hapon nitong linggo.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Edgar Mendoza Enlope, 34-anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Osias ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat tinutukan umano ng di pa matukoy na uri ng baril ang biktima bago tinangay ang single motorcycle nitong kulay asul na Kawasaki Bajaj.

Base sa data ng Kabacan PNP, ito ang unang kaso ng pagnanaakw ng motorsiklo sa linggong ito. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento