NEWS UPDATES

Mga regular na gumagamit ng Automated Teller Machine, Umaalma sa napakahabang linya ng mga benipesyaryo ng 4P’s; basura ngmga ito, nirereklamo na ng MENRO Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Umaalma na ngayon ang ilang mga regular na gumagamit ng Automated Teller Machine o ATM sa napakahabang linya ng mga benipesyaryo na umaantabay sa makina araw-araw.

Ito dahil sa marami pa rin sa mga beneficiaries ng 4P’s mula sa ibang lugar ay dito sa Kabacan nag-wiwithdraw.

Bukod sa mga 4P’s Kabacan, dito rin sa Kabacan Land Bank nag wiwithdraw ang Carmen, Pikit at mga kalapit na lugar sa Maguindanao.

Kahit na mainit ang sikat ng araw tinitiis na lamang ng ilang mga beneficiaries para lang makakuha ng pera.

Kahapon Offline din ang ATM ng Land bank sa USM Kabacan.

Maging ang ilang mga bangko ay pinipilahan na rin ng ilang mga benepisyaryo kagaya ng BDO, One Network Bank at RCBC.

Samantala, nirereklamo din ni MENRO designate Officer Jerry Laoagan angmga basurang kumakalat sa Municipal compound ng LGU na di tinatapon ng maayos ng ilang mga benepisyaryo sa basurahan.

Aniya, naglagay na siya ng mga basurahan sa paligid ng Land bank, pero pagbalik nito, marami pa rin ang mga basurang kumakalat sa paligid.

Kaya umaapela si Laoagan sa kooperasyon ng bawat isa particular na sa mga benepisyaryo ng 4P’s na maging responsible sa kanilang basura. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento