NEWS UPDATES

Holiday rush, mapapansin sa mga superstore sa Kabacan; seguridad tiniyak


(Kabacan, North Cotabato/ December 24, 2012) ---Ilang oras bago ang nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan, mapapansin pa rin na abalang-abala ang ilan para lang humabol at mamili para sa kanilang noche Buena.

Karamihan sa mga superstore ngayon dito sa Kabacan ay punong puno ng mga tao.

Napansin din ng DXVL News team kanina na marami rin ang tao sa mga palengke at sa ilang mga malalaking establisiemento kagaya ng NOVO, Sugni, Superama at maging sa ilang mga kainan.

Kaugnay nito, todo alerto pa rin ang Kabacan PNP sa pagbabantay sa seguridad ng publiko sa pagdiriwang ng pasko mamaya.

Sinabi naman sa DXVL ni Kabacan Police Community Officer P02 Alrec dela Cruz na pinaalalahanan nito ang publiko sa paggamit ng mga pyrotechnics at mga firecrackers na iwasan ang pagbili at pagpaputok ng mga ipinagbabawal na firecrackers.

Una na ring sinilyuhan ang mga baril ng lahat ng mga nasa hanay ng pulisya at militar para maiwasan ang pagpaputok ngayong yuletide season.

Samantala sa panyam naman ng DXVL News kay Kabacan Central Senior Fire Marshall Ibrahim guiamalon, nakatutok ngayon ang kanilang pamunuan sa safety plan kung anu ang dapat gagawin ng publiko sa pnahon ng sakun.

Aminado ang opisyal na sa tuwing sasapit ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon ay di maialis sa kaugalian ng mga Pilipino ang pagpaputok.

Kaya, inilunsad nila ngayon ang PRO safe sa kanilang hanay. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento