Sa Phone Interview kay P/Insp. Tirso
Pascual ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Bobong Amkilan Kauyagan,
35-anyos, trisikad driver at Presidente ng Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang
tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na nagging dahilan ng agara
nitong kamatayan.
Batay sa inisyal na
pagsisiyasat, nabatid na kalibre .45 na baril ang ginamit ng mga di pa matukoy
na suspek sa pagbaril sa biktima batay sa mga empty slug na narekober sa crime
scene.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng nasabing pamamaril. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento