NEWS UPDATES

20-anyos na lalaki, arestado dahil sa paglabag sa RA 9287


(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2012) ---Huli ng mga otoridad ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa paglabag nito sa RA 9287 o mas kilala sa tawag na illegal gambling.

Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jeryl Mae Gutong Calungsod, binata, last two attendant at residente ng Calawag, Pikit, Cotabato.

Nanguna sa pag-aresto sa nasabing saturation drive kontra sa iba’t-ibang illegal gambling sa bayan ng Kabacan kahapon sina P/Insp. Tirso Pascual, Police Regional Office 12 na pinamumunuan ni SPO1 Jeson Tahum.

Nakuha mula sa posisyon at sa kustodiya ni Calungsod ang cash money na nagkakahalaga ng P2,069.00 at iba’t-ibang mga illegal paraphernalia’s.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa kontra sa kanya. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento