NEWS UPDATES

“Pagbabalik loob sa Panginoon, disiplina sa sarili” ayon sa isang preso na nakalaya sa pamamagitan ng Justice On Wheels


(Amas, Kidapawan City/ November 26, 2012) ---Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ngayon ng isa sa mga preso na pinalaya sa pamamagitan ng Justice On Wheels sa isinagawang pagdinig kaninang umaga kasabay ng inilunsad na Enhanced Justice On Wheels na kauna-unahan sa probinsiya ng North Cotabato na isinagawa sa loob mismo ng Bus, na may court room.

Ito ang ibinunyag ni Ariel Suguilion, 32-anyos, residente ng Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato kungsaan nabilanggo siya ng siyam na taon, walong buwan at 16 na araw matapos na maharap sa kasong frustrated murder.

Kaugnay nito, sinabi ng detenado na maraming pagbabago sa kanyang buhay ng siya ay nasa loob ng bilangguan, isa na dito ang pagbabalik niya loob sa Panginoon, disiplina sa sarili at ang respeto sa mga empleyado at mga kasamahan niyang bilanggo.

Kaugnay nito, may payo siya sa mga kabataan na iwasan ang makalabag sa batas dahil hindi biro ang mabilanggo at mahirap ang buhay sa loob ng presuhan.

Si Suguilion ay isa sa 68 na mga detenado na pinalaya sa pamamagitan ng Justice on Wheels ng Korte Suprema. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento