NEWS UPDATES

Mga Bigtime na Extortionist sa Central Mindanao; Tiklo ng mga otoridad sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/November 16, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng limang mga pinaniniwalaang sindikatong nangingikil ng milyun-milyong halaga ng salapi sa National Power Corporation makaraang mahuli at umamin ang isa sa mga ito sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad alas 10:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang nahuling suspek na si Omar Lantong Abdullah, 33, may asawa at residente ng bayan ng Carmen.

Ang nasabing extortion at pagbabanta ay nagsimula noon pang Oktubre a-22 at nagpakilala umano ang suspek sa pamamagitan ng text message na siya si “Sandubal”, at humihingi ng halagang P20M hanggang sa bumaba ang demand ng mga suspek sa halgang P15M mula sa NPC.

Nagbanta umano ang mga ito na magsasagawa sila ngpag-atake at pamomomba sa mga transmission kung hindi bibigyan ang kanilang demand na mas lilikha ng milyun-milyong pagkasira sa linya ng kuryente. 

Batay sa report, ipapadala umano ng NPC ang kanilang demand sa LBC Kabacan Branch sa pamamagitan ng package at ito ay ipipick-up ni Omar Labdullah alas 11:20 kahapon.

Ang suspek na tiktikan sa loob ng LBC Kabacan Branch matapos na mag-presenta ito ng kanyang postal ID.

Agad na hinuli ng mga otoridad ang suspek at nakuha ang iba’t-ibang pagkakakilanlan nito.

Maliban sa suspek nahuli din ang mga kasamahan nitong sina: Mila Mangilen Moreno asawa ni Arsenio Culam Alyas “Sandubal” tinuturong utak sa pangingikil at resident eng Ugalingan, Carmen, North Cotabato; Myra Mangilen Ayodin, 19, Jordan Sumagka Ayodin, 22, driver ng tricycle na ginamit nila sa pagpunta sa LBC at resident eng Genral Luna Carmen, North Cotabato.

Nanguna sa nasabing operasyon ang mga element ng Kabacan PNP sa pangunguna ni PCI Jubernadine Panes, Deputy Chief of Police; sa ilalim ng superbisyon ni PSupt. Leo Ajero; Police Provincial Intelligence SSGT Ferdinand Macasio, 7IB Phil Army sa pangunguna ni 1LT Larry Valdez at ng National Power Security Group PSSupt. Efren Saligan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento