NEWS UPDATES

Isang residential house sa Kabacan, nasunog!


(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2012) ---Agad na naapula ng mga kagawad ng pamatay apoy ang nangyaring sunog sa isang residential house na nasa Matalam St., na nasa likurang bahagi ng Pilot Central Elementary School sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Anton Guiang.

Mabilis namang naagapan ang nasabing sunog.

Wala namang may naiulat na nasaktan sa nasabing insedente.

Naiwang luto ang sinasabing dahilan ng nasabing sunog. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento