NEWS UPDATES

2 katao sugatan matapos matapos masangkot sa vehicular accident sa Kabacan; motorsiklo, ninakaw



(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2012) ---Sugatan ang dalawang lalaki makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa Corner ng Sunset at Abellera St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:00 ng umaga nitong linggo.

Kinilala ng Kabacan Traffic Division sa pangunguna ni P01 Amor Guillermo ang mga biktima na sina Joe Alegano nasa tamang edad, residente ng Salapungan, driver ng Kawasaki Fury na aksidenteng nakabangga sa Pioneer Motorcycle na minamaneho ni Elybert Saliling, residente ng USM Compound, ng bayang ito.


Galing ng barangay Salapungan ang Kawasaki habang galing naman ng USM Avenue at papunta ng Miracle ang Pioneer Motorcycle ng maaksidente kahapon.

Lubhang nasugatan ang driver ng Kawasaki na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng medikal na atensiyon habang galos lamang ang natamo ni Saliling.

Ninakaw ng mga di pa nakilalang  mga salarin ang isang kulay pula na single motorcycle na Honda XRM-125 na may plate no. 3976 alas 3:30 ng hapon nitong Sabado.
         
Batay sa report ng Kabacan PNP ang nasabing motorsiklo ay pag-mamay-ari ni Edgardo Fabian, nasa tamang edad at residente ng Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato.                                                                              

Ang nasabing sasakyan ay sa isang sabungan na nasa Brgy. Osias ng ito ay tangayin ng di pa nakilalang salarin. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento