NEWS UPDATES

Tulunan, ginulantang ng malakas na pagsabog kagabi

(Tulunan, North Cotabato/October 2, 2012) ---Tensyunado ngayon ang isang barangay sa bayan ng tulunan, makaraang ginulantang ng malakas na pagsabog alas 7:45 kagabi.

Ang nasabing roadside bombing ay nangyari sa Purok 5, brgy. Popoyon ng nabanggit na bayan.

Ayon kay PCI Ronnie Batuampo, wala namang may nasawi o nasugatan sa nasabing insedente.

Patuloy pa ngayong inaalam ng EOD team kung anung klaseng pampasabog ang ginamit ng mga suspek sa nasabing pambobomba.

Agad namang ikinasa ng tulunan PNP ang imbestigasyon para alamin ang totoong motibo sa nasabing pangyayari. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento