NEWS UPDATES

Press conference kaugnay ng Framework Agreement on the Bangsamoro, gaganapin ngayong araw


(Midsayap, North Cotabato/ October 22, 2012) ---Pangungunahan ni House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity Chairman at North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang isang pagpapaliwanag sa media kaugnay sa pinirmahang framework agreement on the Bangsamoro.
Gaganapin ang nabanggit na press conference ngayong araw sa CJNS Kapayapaan Hall sa Midsayap, Cotabato.

Inaasahan ang pagdalo ng iba’t- ibang media practitioners mula sa lalawigan at Cotabato City.

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng basic understanding kaugnay ng nilalaman ng framework agreement at ang mga legal na implikasyon nito.

Inimbita rin ng opisina ni Cong. Sacdalan ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan sa unang distrito ng North Cotabato, NGOs, academe, religious groups, PNP, AFP, at mga kabataan na dumalo sa aktibidad. (Roderick Bautista)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento