NEWS UPDATES

NUJP, magsasampa ng ikalawang petisyon kontra sa RA 10175 o Cyber prevention Act


Magsasampa ng ikalawang petisyon ang National Union of Journalist of the Philippines o NUJP kontra sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.
      
Nagsagawa ng press conference ang NUJP sa College of Arts and Sciences Lobby sa University of the Philippines o UP Manila, alas otso y medya ng umaga kahapon.

      
Matapos ang presscon ay nanguna ang samahan sa isang kilos protesta sa harap ng Korte Suprema.
      
Kasama ng NUJP sa aktibidad ang iba pang mga grupo na nagsampa din ng petisyon sa Supreme Court.
      
Nanguna dito ang Philippine Internet Freedom Alliance.
      
Layon ng rally na ipakita ang pagkakaisa ng mga kontra sa batas.
      
Sigaw nila, ibasura ang cybercrime law dahil ito raw ay ‘unconstitutional’.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento