NEWS UPDATES

Negosyante, dinukot sa Libungan, North Cotabato kagabi


(Libungan, North Cotabato/October 3, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang man-hunt operation ng mga otoridad sa pagdukot ng negosyante sa bayan ng Libungan alas 6:15 kagabi.

Ayon sa report, dinukot ang biktima na nakilalang si Annie Datuwata kasama ang secretary nito ng mga di pa nakilalang mga abductors at pinasakay sa isang sasakyan.

Sa impormasyon dinala umano ang biktima ng mga pinaniniwalaang KFR group sa isang liblib na lugar sa bayan ng Midsayap.

Si Datuwata ay nag-mamay ari ng isang gasolinahan sa nabanggit na bayan.

Nabatid nab ago lang dumating ang biktima mula sa Jerusalem matapos na nag-pilgrimage. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento