NEWS UPDATES

Cotelco nagpalabas ng panibagong load curtailment


(Kabacan, North Cotabato/October 5, 2012) ---Muling nagpalabas ngayon ng panibagong schedule sa load curtailment ang Cotabato Electric Cooperative o cotelco.

Batay sa kalatas na ipinalabas ni cotelco OIC General Manager Godofredo Homez, may 2.4 megawatts na bawas sa supply ng kuryente sa kooperatiba na nangangahulugan ng  15 minutong power interruption sa mga service erya nila.

Ito para mamintina ang 23.6megawatts  na load ng kuryente ng kooperatiba.

Labing-limang minuto ang itatagal ng brownout kung ang deficiency ng Mindanao power ay mula 160 hanggang 200 megawatts.
             
Pero kung lagpas ng 210 megawatts ang kakulangan ng suplay ng kuryente sa Mindanao, tatagal ang brownout ng hanggang tatlumpung minuto, ayon kay sa Cotelco. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento