NEWS UPDATES

29-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2012) ---Patay on the spot ang isang 29-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa may Jacinto St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:50 ng gabi nitong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP sa pangunguna ni PC/Insp. Jubernadine Panes ang biktima na si Dennis Umangal, 29 na taong gulang, may asawa at residente ng Plang Village 2 ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, sakay umano ang biktima sa minamaneho nitong kulay itim na bajaj motorcycle na may plate number QM 9487 at binabaybay ang Jacinto st., partikular sa harap ng Masagana Farmers Mart ng ito ay pagbabarilin.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang limang mga basyo ng bala ng .45 na pistol na ginamit sa pagtumba sa biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin papalayo sa di malamang direksiyon.

Sa ngayon ini-establish pa ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril habang nagpapatuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento