NEWS UPDATES

Sunod-sunod na patayan sa North Cotabato, kinondina ng isang kongresista


(Kidapawan City/September 8, 2012) ---Kinondina ni Agham Partylist Representative Angelo Palmones ang sunod-sunod na kaso ng pamamaslang sa North Cotabao.
      
Ayon kay Palmones na nakababahala na ang mga pagpatay sa mga kilalang personalidad gayundin sa hanay ng mga ordinaryong tao sa Kidapawan City at maging sa ibang bahagi ng lalawigan.
      
Unang kinundina ni Palmones ang pagpaslang kay Eddie Jesus Apostol, na dating konsehal sa bayan ng Magpet.

      
Ilang araw ding hinanap ng kanyang kaanak si Apostol at noong Sabado lang natagpuan ang kanyang bangkay sa Paidu Pulangi river.
      
Nadismaya din si Palmones sa pagkamatay ng dalawang mga myembro ng highway patrol group ng Makilala PNP noong August 31.
      
Ikinalungkot din ng kongresista ang pagpaslang kay Marife Geronga-Pame ang Investment and Tourism Office head ng Kidapawan City.
      
TINIYAK naman ng kongresista na ilalapit niya sa bagong talagang Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang mga insidente upang matutukan at mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng mga biktima.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento