NEWS UPDATES

Pagtatatag ng Third District sa N Cotabato, aprubado na


(Kidapawan City/September 18, 2012) ---Nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino noong byernes ang Republic Act 10177 o ang paghati sa probinsya ng North Cotabato sa tatlong mga distrito.
      
Ang third district ay magiging epektibo sa May 2013 national elections.
      
Dahil dito, kasama na sa sa ikatlo’ng distrito ang mga bayan ng Banisilan, Carmen, Kabacan, Matalam, M’lang at Tulunan.
      
Nasa ikalawang distrito naman ang mga bayan ng Makilala, Magpet, Roxas, Antipas at Arakan at ang lungsod ng Kidapawan.
      
Kabilang naman sa first legislative district ang bayan ng Pikit, Pigkawayan, Alamada, Libungan, Midsayap at Aleosan.
      
Matatandaang ang nasabing batas ay naipasa sa Kongreso noong Feruary 22, 2011 at pinal na naisabatas noong July 24, nitong taon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento