NEWS UPDATES

Mga aktibidad para sa 60th Founding Anniversary ng USM, Plantsado na


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 27, 2012) ---Plantsado na ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng ika-60 foundation anniversary ng pinakamalaking pamantasan sa Central Mindanao, ang University of Southern Mindanao sa Oct. 1, 2012.
Ayon kay VPAA Dr. Antonio Tacardon, sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng floral offering at pagbibigay pugay sa Founder ng USM na si Bai Hadja Matabai Plang sa kanyang bantayog sa harap ng USM Gym.

Susundan naman ito ng parade ng iba’t-ibang units ng pamantasan saka didiretso sa Pres. Asinas Amphitheater para sa anniversary program dakong alas-otso ng umaga kung saan si Cotabato Governor Emylou “Lala” TaliƱo Mendoza ang magiging panauhing tagapagsalita.
Kaugnay nito, nailatag na rin ng USM Security Force ang mga safety measures upang tiyaking magiging mapayapa ang pagdiriwang sa Lunes.
Nakasentro ang selebrasyon ngayong taon sa temang “USM @ 60 and Beyond: Reminiscing, Celebrating, Empowering.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento