NEWS UPDATES

Bangkay ng mag-ina, natagpuan sa isang ilog sa Banisilan, North Cotabato


(Banisilan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan mag-ina sa isang canal sa Sitio Sili, Barangay Busaon, sa bayan ng Banisilan, N Cotabato noong Hwebes.

Kinilala ni Senior Superintendent Roque Alcantara, provincial director ng North Cotabato Police ang mga biktima na sina Kabiba Apaw, 36-anyos at anak nitong si Salahuddin, 3 taong gulang, pawang residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, isang Nano Pidong, 27-anyos ang nakakita sa mga bangkay habang ito ay naglalaba sa canal.  

Sa imbestigasyon ng mga pulis, maaaring hinampas ng matigas na bagay ang mga biktima na nagresulta ng kanilang kamatayan.

 Hanggang sa ngayon, inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng krimen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento