NEWS UPDATES

Bahay tinupok ng apoy sa Kidapawan city


(Kidapawan City/September 5, 2012) ---Isang bahay ang tinupok ng apoy sa Sitio Guadalupe, Barangay Singao sa lungsod ng Kidapawan bandang alas syete kwarenta y singko ng umaga kahapon.

Ang tahanan ay pag-aari ni Adriano Sumampong, isang empleyado ng Hall of Justice ng lungsod
Ayon kay Ermelita Palapas, isa sa mga kasambahay ng biktima, sinabi niya’ng may narinig siya’ng pagsabog mula sa kwarto ng amo bago nagsimula ang sunog.

Di pa madatid kung ano ang dahilan ng pagsabog na naging mitsa ng apoy.

Tinatayang abot sa isa at kalahating milyong piso ang halaga ng mga kagamitang tinupok ng apoy.

Bandang alas nwebe ng umaga na nang maapula ang sunog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento