NEWS UPDATES

Bahay sa Kidapawan City, tinupok ng apoy; libu-libong halaga ng mga ari-arian, naabo


(Kidapawan City/September 4, 2012) ---Tinaya sa tatlong daang libong piso ang halaga ng mga kagamitang naabo matapos masunog ang isang bahay sa corner ng Quirino Drive at Lopez street sa Kidapawan City, pasado alas dyes ng umaga kahapon.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Lando Santos, empleyado ng Kidapawan District School.

Sinabi niya’ng wala namang nakabukas na appliances nang iwan niya ang bahay.

Bahagyang kumalat ang apoy dahil wala umanong tao sa kanilang tahanan ng magsimula ang sunog.

Naagapan naman ang posibleng pagkalat ng apoy sa mga kapitbahay dahil sa agarang pagresponde ng mga myembro ng Bureau of Fire Protection ng lungsod.

Duda ng mga awtoridad, sa kusina nagsimula ang apoy kaya’t agad itong kumalat sa buong bahay na gawa sa semi-concrete materials.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento