NEWS UPDATES

Supplier ng Shabu, na dati ring tulak at 2 menor de edad; huli sa panibagong buybust operation ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Imbes na pag-asa ng bayan ang mga kabataan, magiging madilim ang kinabukasan ng dalawang menor de edad makaraang masangkot sa pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Kabacan.
Ito makaraang mahuli ang dalawa kasama ang isang nakilalang Datu Mama Lawi Sultan, 40, may asawa at residente ng Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Si Sultan ay nahuli ng mga pulisya sa isinagawang buybust operation sa mismong bahay nito alas 11:10 kaninang umaga.

Nanguna sa operasyon si P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP at si Task Force Chrislam P/Insp. Tirso Pascual.
Kinilala naman ng mga opisyal ang mga menor de edad na nahuli na sina: Nasrodin Naud, 17, OSY at resident eng Kayaga at Jayson Sabal, 16 residente ng bayan ng Matalam.
Narekober ang 2 plastic heat sealed sachet sa isinagawang buybust operation, habang nakuha naman sa posisyon ng mga ito ang apat na piraso ng heat sealed transparent sachet, marked money na  dalawang piraso ng P500 piso bills, isang malaking plastic sachet na naglalaman ng tinatayang mahigit sa P35,000.00 na shabu maliban pa sa mga plastic cellophane at cash money na nagkakahalaga ng P4,750.00.
Nabatid na si Sultan ay dati na ring nakulong dahil sa pagtutulak ng illegal na droga subalit naibasura ang kaso nito, ayon sa report.
Sumaksi sa operasyon ng Kabacan PNP si Brgy. Poblacion Kagawad Dominador “Mike” Remulta at DOJ Rep. Franlin Micutuan.
Sa ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento