NEWS UPDATES

Rehabilitasyon ng irrigation facilities, sisimulan na sa service area ng LibRIS


(Libungan, North Cotabato/August 9, 2012) --- Partikular na maapektuhan sa pagsasaayos ng mga irrigation canal sa unang distrito ng North Cotabato ay ang service area ng Libungan River Irrigation System o LibRIS.

Patuloy ang ugnayan ng opisina ni Cong. Jesus Sacdalan sa National Irrigation Administration o NIA kaugnay sa programang ito upang suportahan ang mandato ng pamahalaang nasyunal na itaguyod ang food security and self sufficiency sa bansa.

Ayon kay Congressional District Office Political Affairs Officer Engr. Jerry Pieldad, kabilang sa proyekto ay ang mga sumusunod; 492 meter- canal lining sa LibRIS Lateral A, 951 meter- canal lining sa LibRIS Lateral B, at 2.66 kilometer- canal lining mula sa Lateral A Head Gate hanggang sa Lateral D Head Gate ng LiBRIS Main Canal.

Nais ding ipaalam ng opisyal na nangako naman ang kinomisyong contructor na bibilisan ang implementasyon ng proyekto.

Sisikapin umanong tapusin ng mga contractor ang nasabing rehabilitasyon ng irrigation facilities sa loob ng dalawang buwan.

 Ito ay upang hindi lubhang maapektuhan ang paghahanda ng mga magsasaka para sa susunod na cropping season. (Correspondent Roderick Bautista)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento