NEWS UPDATES

Negosyante, maswerteng nakaligtas matapos na target sana sa panibagong shooting incident sa Kabacan


(Kabacan, North cotabato/August 3, 2012) ---Maswerteng nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang negosyante na taga-Kabacan makaraang barilin ito ng di pa nakilalang suspek alas 4:30 kahapon sa loob ng Public Market.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Frank Graza nasa tamang edad.

Ayon sa report, pumalya umano ang baril na ginamit ng suspek makaraang di ito pumutok.

Narekober ng mga pulisya mula sa crime scene ang live ammunition ng .45 na caliber pistol.

Ang suspek ay naka-suot ng helmet na mabilis namang tumakas matapos ang pangyayari, ayon sa report. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento