NEWS UPDATES

Kakanin at projects implemented ibinida sa ika- 51 Araw ng Libungan sa North Cotabato


(Libungan, North Cotabato/August 9, 2012) ---Ipinarada ng mga Libunganon ang iba’t- ibang uri ng kakanin na matitikman sa kanilang lugar.

Nais ipagmalaki ng mga Libunganon ang sarap ng kanilang mga native delicacies na karamihan ay gawa mula sa bigas. Paraan na din umano ito ng pagpapasalamat sa magandang ani, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.


Binigyang- diin naman ni Libungan Mayor Manuel dela Serna na malaki ang pasasalamat nito sa opisina ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan dahil sa mga proyektong naipatupad sa kanilang bayan.

Kabilang sa implemented projects na ito ay ang mga sementadong kalsada, rehabilitasyon ng Grebona bridge, Libungan river flood control project, feeding program, health services, high value crops development program at marami pang iba.

Hindi man nakadalo sa mismong Araw ng Libungan si Cong. Sacdalan, ipinapaabot nito ang pagbati sa bawat Libunganon. Una nang sinabi ng opisyal na tuloy- tuloy ang mga proyektong ipapatupad sa bayan ng Libungan. (Roderick Bautista)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento