NEWS UPDATES

Isa patay, isa rin sugatan sa vehicular accident sa Kidapawan City


(Kidapawan City/August 20, 2012) ---Patay ang isang 22-anyos na binata habang sugatan ang isa pang kasama nito makaraang masangkot sa vehicular accident sa highway ng Barangay Balindog, Kidapawan City, pasado alas onse ng gabi noong sabado.

Ayon sa report ng Kidapawan City PNP Traffic section, pauwi na ng Kabacan mula Kidapawan City sina Ian Agusen, 22, ng Barangay Bannawag; at Marlon Bernandez, 24, ng Roxas Street, Poblacion ng bayan, nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol si Agusen na driver ng Suzuki raider na may plakang 1823 YX kaya’t tumilapon ang mga ito sa sementadong kalsada.

Isinugod  sa Madonna General Hospital ang mga biktima, ngunit si Agusen, binawian ng buhay, pasado ala una ng madaling araw kahapon. 

Sa ngayon, patuloy pa ring ginagamot si Bernandez sa ospital dahil sa mga sugat na natamo niya.
Dahil sa aksidente, payo ng pulisya, ‘wag nang magmaneho kapag nakainom ng nakakalasing na inumin upang iwas disgrasya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento