NEWS UPDATES

IED natagpuan kaninang umaga sa Midsayap, North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/August 7, 2012) ---Isang Improvised Explosive Device o IED na gawa sa bala ng 81mm ang natagpuan ng isang sibilyan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato alas 3:20 kaninang umaga.

Ang nasabing IED ay nakasilid umano sa itim na bag.

Agad namang pinasabog ng mga EOD team ng Phil army ang nasabing pampasabog na nakita sa harap ng Comacho Vulcanizing, Brgy. Poblacion uno, ng nabanggit na bayan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento