NEWS UPDATES

Bangkay na nahukay sa isang brgy. sa Kabacan; wala pa ring pagkakakilalan


(Kabacan, North Cotabato/August 23, 2012) ---Hindi pa rin kinilala ng kanyang kamag-anak ang bangkay na nahukay makaraang inilibing sa isang abandonadong lugar, 30 metro ang layo mula sa brgy. road ng brgy. Malanduage alas 12 ng tanghali kahapon.

Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP, ang nasabing biktima ay nasa edad 32-35 taong gulang at may taas na nasa 5’2 hanggang 5’5.

Batay sa pagsasalarawan ng opisyal nakasuot ng kulay itim na damit ang nasabing biktima at short pants.

May sugat sa kaliwang dibdib nito.

Nitong Martes ng gabi, umalingawngaw ang putok ng baril sa mismong lugar kungsaan nahukay ang biktima na posibleng doon din pinatay ng mga suspek ang nasabing lalaki.

Sa ngayon nasa Villa Jusa Funeral Parlor ang mga labi ng biktima, pero magdadalawang araw na ngayon, di pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay. (Rhoderick Benez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento