NEWS UPDATES

4 na mga CAFGU, sugatan makaraang hinagisan ang detachment ng sundalo sa Pikit, Cotabato


(Pikit, North Cotabato/August 6, 2012) ---Isang granada ang inihagis ng mga di pa nakilalang mga suspek sakay sa isang riding in tandem na motorsiklo alas 12:30 kaninang umaga sa Tinibtiban partikular sa detachment ng mga sundalo, sa brgfy Batulawan, Pikit cotabato.

Ang nasabing insedente ay ikinasugat ng apat na mga CAFGU na kinilalang sina Arman singgon,  Ireckson Prenal, Jigg Oracoy, Crisito Nery at isang Mrs ng SCAA.

Agad naman tumalilis ang mga suspek papatakas sa bahagi ng Brgy. Balkatikan, Pikit.

Agad namang nilapatan ng karampatang lunas mga rumispondeng team ng 7ib ang mga sugatan. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento