NEWS UPDATES

1 patay, 2 sugatan ng mabangga ng ambulansiya ang motorsiklo sa Highway ng North Cotabato


(Magpet, North cotabato/August 6, 2012) ---Patay ang isang 55-anyos na ginang habang sugatan ang dalawa katao sa nangyaring vehicular accident makaraang mabangga ng rumaragasang ambulansiya ang isang motorsiklo sa National Higway ng North Cotabato alas 8:30 nitong gabi ng Sabado.

Namatay habang ginagamot sa isang ospital ala 1:30 kahapon ng hapon ang biktima na nakilala sa pangalang Erlinda Asopilla, 55 habang sugatan naman sina Reynello Marzian, 28 at ang isang di pa nakilalang pasahero na resident eng brgy. Kalaisan, Kidapawan City.


Minamaneho umano ni Marzian ang Bajaj Motorcycle ng mabangga ito ng rumaragasang ambulansiya na pag-mamay ari ng LGU Magpet na minamaneho ni Alvin Montales, 28 ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Montales, lulan umano nito ang isang buntis na ginang papunta sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas Complex ng mangyari ang insedente.

Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing pangyayari. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento