NEWS UPDATES

1 libung mga mangingisda malapit sa liguasan marsh, nabiyayaan ng gill nets mula sa provincial government



(Amas, Kidapawan city/August 16, 2012) ---Abot sa isang libung mga residente na malapit sa Liguasan Marsh ang nabigyan ng gill nets mula sa provincial government ng North Cotabato kahapon.

Ang nasabing distribution ay isinagawa sa provincial gymanasium kungsaan pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang nasabing seremonya.

Tatlumpu’t tatlong mga Barangay sa probinsiya ang nabigyan ng nasabing gill nets, ito ayon kay Chief Fisheries Division ng Office of the Provincial Agriculturist Magdalena Gasag.

Kabilang sa mga bayan na ito ang Pikit na may siyam na  brgy, Pigcawayan-12, Kabacan-1 at ang bayan ng Carmen-1.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mendoza na ang nasabing distribution of gill nets sa mga magsasaka ay bilang bahagi ng peace initiatives ng provincial government at ang pagtutok din nito sa pankabuhayan ng mga residente sa mga nabanggit na lugar.

Hinimok din ng opisyal ang kooperasyon ng bawat isa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.

Dumalo din sa nasabing programa si BM Celestino Rapacon, BM Dulia Sultan at ilan pang mga opisyal ng probinsiya. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento