NEWS UPDATES

Farm Run, itinampok sa Sports Fest ng College of Agriculture- USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Sa pamamagitan ng Farm Run kaninang alas 4:30 ng madaling araw nagsimula ang tatlong araw na sports fest ng College of Agriculture ngayong araw.

Sinabi ni College of Agriculture LSG-Governor Charlie Balonebro na sentro ng aktibidad ang temang “unifying differences thru sports” kungsaan lalahukan ito ng iba’t-ibang mga society ng kolehiyo.

Kabilang sa mga patimpalak na paglalabanan ang basketball, volleyball, takraw at iba pang mga ball at mind games.

Ang sports fest ng kolehiyo ay taunang aktibidad upang lalo pang masanay sa larangan ng isports ang mga mag-aaral ng Unit.

Kung matatandaan, ang college of Agriculture ng USM ay naging center of excellence sa larangan ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa agrikultura.

Ang Kolehiyo ay pinangungunahan ng College Dean Dr. Adeflor Garcia. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento