NEWS UPDATES

Expertise ng Philippine Crocodile Farm hiningi na upang mahanap ang nakawalang buwaya sa mini-zoo sa Kidapawan City

(Kidapawan City/July 19, 2012) ---Humingi na ng tulong mula sa Philippine Crocodile Farm ang City Government at ang Department of Environment and Natural Resources o DENR para mahanap at maibalik sa kanyang kulungan ang nakawalang buwaya.
         
Aminado si Marife Pame, head ng tourism at investment promotions ng City LGU, na kapos sa expertise sa paghuli ng buwaya ang taga-DENR at ang Kidapawan City Emergency Response Unit o KidCeru.

Kailangan kasi’ng pag-aralan ang galaw at ang mismong character ng buwaya.
         
Ang buwaya, ayon kay Psalmer Bernalte ng KidCeru, ay nakalubog sa tubig kapag mainit ang panahon, at nakaahon sa lupa kapag malamig ang panahon.
         
Noon pang Sabado nagsimula sa paghananap ang team ni Bernalte, kasama ng mga forest rangers, sa nawawalang buwaya.
         
Noong Linggo, naispatan ito sa isang bahagi Saguing River sa Makilala, pero nang puntahan nina Bernalte, nakawala naman ito.
Kaya’t sa ngayon, pinag-iingat pa rin ng city LGU at ng management ng Landmark mini-zoo ang mga tao na ‘wag munang maligo sa ilog at baka doon nagtatago ang nawawalang buwaya na ang haba ay abot na sa walong talampakan. (MCM)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento