NEWS UPDATES

Documentation and photography, itinuro sa tri- people communities sa North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/August 1, 2012) ---Pinangunahan ng Southern Christian College ang tatlong araw na Documentation, Minutes Writing and Photography Training Workshop para sa tri- people partner communities nito.

Layunin ng nasabing pagsasanay na maituro sa mga participants ang kahalagahan ng maayos at masusing pagdokumento ng mga pagpupulong, larawan at iba pang mahahalagang kaganapan sa kanilang komunidad, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Ayon kay SCC- CEREA Community Research and Documentation Department Director Mary Jane Jorolan, mas madali na silang makaka- access ng serbisyo mula sa gobyerno at iba pang non- government agencies kapag nagkaroon ng sapat na kakayahan ang mga komunidad sa mga aspetong ito.

Kaugnay nito, nais nilang idulog ang output ng traning workshop sa tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan. Nakapaloob sa nasabing mga dokumento ang iba’t ibang requested projects tulad ng elektripikasyon at water system.

Dagdag ni Jorolan, magiging malaking tulong ito kung sakaling mapondohan at maipatupad sa mga komunidad.

Kabilang sa partner communities ng SCC na sumali sa training workshop ay ang Nes, Rangaban at, Nabalawag sa Midsayap; Dunguan, Pagangan na nasasakop ng Aleosan; Pacao, Alamada; at Aroman at Macabenban mula sa Carmen. (RRB)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento