NEWS UPDATES

52-anyos na Ginang panibagong biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 23, 2012) ---Patay on the spot ang isang 52-anyos na Ginang makaraang pagbabarilin ng di      pa matukoy na suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa loob ng Kabacan Public Market alas 2:00 ngayong hapon lamang.

   Kinilala ng Kabacan ang biktima na si Elsie Valmonte, 52-anyos, plantsadero ng wildwest Tailoring at   
   residente ng Upper Paatan, Kabacan, Cotabato.

   Nagtamo ang biktima   ng tama ng bala sa ulo na naging dahilan ng agara nitong kamatayan  
   habang ito ay natutulog sa armchair sa mismong tailoring na pinagtatrabahuan nito.
   Patuloy ngayon ang ginagawaing imbestigasyon ng mga otoridad para ma-establish ang totoong  
   motibo ng nasabing pamamril. Ito na ang ika-apat na kaso ng pamamaril na naitala sa bayan ng  
   Kabacan ngayong buwang ito lamang.  (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento