Ayon sa report, iginupo ng kanyang sakit na
cancer of the blood o leukemia si Aljay ar Fernandez, tubong Midsayap, North
Cotabato at 3rd year Agricuture --- Major in Plant Breeding and
Genetics.
Si Fernandez ay binawian ng buhay habang
nakaratay sa Davao Medical Center sa Davao city, kamakalawa ng gabi, ayon sa
kanyang mga magulang.
Samantala, patay din sa sakit na dengue ang
isa pang estudyante ng animal Science na si Rusky Belano, 19, BS Animal
Husbandry, residente ng Poblacion, Matalam, Cotabato.
Nabatid na binawian ng buhay sa isang
hospital sa kidapawan ang biktima habang naka-admit ito alas 2:00 ng madaling
araw nitong Sabado.
Iniwan dinnito ang kanyang asawa at ang apat
na buwang sanggol na anak, ayon sa report.
Kaugnay nito, umaapela ngayon ng tulong ang
mga kamag-aaral ni Belano sa pamamagitan ng Office of the student affairs para
matulungang maipalibing ang kanilang kaklase. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento