Kinilala
ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Evelyn Diaz,
47-taong gulang, businesswoman at residente ng Mantawil St., Poblacion, ng
nabanggit na bayan.
Sa
inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na habang naka-upo ang
biktima sa harap ng nasabing tindahan ay bigla na lamang nilapitan ng
suspetsado at binaril sa ulo ang biktima gamit ang .45 na pistol batay sa empty
slug na narekober sa crime scene.
Mabilis
namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan para mabigyan
ng medical na atensiyon.
Agad
namang humarurot ang suspek sakay sa single motorcycle papalayo sa pamamagitan
ng Ma. Clara St.
Sa
ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng nasabing
pamamaril. (Rhoderick Benez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento