NEWS UPDATES

Mga brgy opisyal ng Kabacan sumailalim sa training patungkol sa disaster preparedness and climate change, kasalukuyang ginaganap

(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Kasalukuyang ginaganap ang training ng dalawamput apat na baranggay sa bayan ng Kabacan sa Agricultural Training Institute- USM hinggil sa disaster preparedness and climate change.

Ang 2-day training ay nagsimula noong lunes at magtatapos sa Hunyo 26, 2012.

Kahapon, matagumpay na natapos ang traing ng first batch ng mga baranggay na kinabibilangan ng Baranggay Bangilan, Malanduague, Pisan, Arinngay at Sanggadong.

Ngayong araw naman, magsisimula sa training ang ikalawang batch na mula sa Baraggay Dagupan, Magatos, Malamote, Upper Paatan, Nangaan at Osias. Susunod naman ang ikatlo at ikaapat na batch sa mga susunod na araw.

Ang nasabing training ay pinangunahan ni Engr. Cedrik S. Mantawil, PhD, ang chairman ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Kasama din sa training at tagapagsalita  sina Jasmin S. Mosaid- MLGOO, Mr. Latip Akmad- Operation and Warning Officer, Susan C. Macalipat-MSWDO, PO1 Ardec Dela Cruz ng PNP, FS/Insp Ibrahim Guiamalon, at ilang mga empleyado ng LGU-Kabacan ang nagfacilatate dito.

Layun ng nabanggit na pagsasanay na maihanda ang lahat ng mga opisyal ng barangay sa anumang mga di inaasahang kalamidad. (Brex Bryan Nicolas)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento