Kinilala ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Robert Ojanola Soquita, 39, may asawa residente ng Purok Nation, Poblacion, Kabacan at isang kasama nito sa nasabing pot session na si Dowa Clarion Bautista, 20, walang asawa at residente ng Purok Kapayapaan, ng nabanggit na bayan.
Narekober
mula sa kanila ang anim napiraso ng crumpled aluminum foil na naglalaman ng
shabu at isang maliit na kandila at disposable lighter na tinapon ng mga ito.
Sa
ngayon ay nasa kustodiya ng Kabacan PNP at posibleng kakaharapin ng dalawa ang
kasong paglabag sa RA 9165 o dangerous drugs act of 2002. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento