NEWS UPDATES

Suspek sa pagnanakaw ng kuryente, tiklo ng Carmen PNP; nagpapataya ng last two, arestado rin

(Carmen, North Cotabato/May 31, 2012) ---Matapos ang matagal na panahong pagtatago sa batas, naaresto na sa wakas, ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pagnanakaw ng kuryente o paglabag sa Republic Act. 7832 o mas kilala sa tawag nag Anti-Pilferage Act.

Nanguna sina P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP at P02 Roy Delenia, Deputy chief of Police sa pag-aresto kay Ricardo Romano nasa tamang edad at residente ng Brgy. Aroman ng nabanggit na bayan.

Si Romano ay naaresto sa kanilang bahay alas 8:30 ng umaga noong Martes sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng RTC Branch 16, Kabacan Branch at may criminal case number na 07-267.
Sa ngayon kulungan ang bagsak ng nsabing suspetsado.

Samantala, arestado rin ang isang 32-anyos na lalaki makaraang mahuling nagpapataya ng illegal number game na mas kilala sa tawag na last two sa bayan ng Carmen alas 5:40 kamakawala ng hapon.

Kinilala ang natimbog na si Jan Dap-og, 32, may asawa at resident eng Purok 8, Pobalcion ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula kay Dap-og ang mga last two paraphernalia kagaya ng tally sheets, receipts, ballpen at cash bet money na nagkakahalaga ng P950 sa iba’t-ibang denominations.

Ito dahil sa nagpapatuloy na kampanya ng Carmen PNP kontra illegal na droga. (Rhoderick BeƱez)
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento