NEWS UPDATES

Summer Kids Peace Camp gagawin sa Kidapawan City

(Kidapawan city/May 10, 2012) ---Itatampok sa tatlong araw na ‘Summer Peace Kids Camp’ na magsisimula ngayong Mayo 21 ang leadership skills training sa hanay ng kabataan at pagtuturo sa kanila ng First Aid at Survival Techniques.
         
Naniniwala ang mga organizer ng kids camp na ang naturang mga practical skills training ay magbibigay sila ng dagdag na kaalaman para harapin ang buhay.

         
Maliban dito, magpapalalim din sila sa usapin ng peace-building na isang mahalagang aspeto ng pamumuhay sa isang lugar na madalas may armadong labanan o tunggalian ng lakas at puwersa.
         
Gagawin ang Summer Peace Kids Camp 2012 sa Kidapawan City Pilot Elementary School.
         
Magiging bisita sa opening ng peace camp sina Cotabato Governor Lala Mendoza at City Mayor Rodolfo Gantuangco.

Si Mendoza ang siya’ng nagpasimula – noon pang 2010, ng youth peace camp sa North Cotabato.

Katuwang niya sa proyektong ito ang Department of Education at mga LGU

     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento