NEWS UPDATES

Rape suspect, arestado ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/June 1, 2012) ---Kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang 48-anyos na rape suspect matapos maaresto ng Carmen PNP sa Brgy. Kibudtungan, Carmen, North Cotabato alas 7:35 noong Martes.

Nanguna sa pag-aresto si P/Chief Inspector Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP at Lt. Generoso Tayo sa suspek na si Salvador Seduco “alias” Bobby, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Si Seduco ay positibong itinuturo ng isang minor de edad na kanyang ginahasa na nakilalang si Kristina, hindi niya tunay na pangalan at residente ng bayan ng Kabacan.

Nangyari umano ang panghahalay sa loob mismo ng compound ng Carmen Elementary School sa Poblacion, Carmen alas 4:30 ng madaling araw noong Martes matapos na pwersahang dinala ang dalaga sa nabanggit na lugar habang naghihintay siya ng masasakyan papunta ng Kabacan ng mga oras na iyon.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Carmen PNP at nagresulta sa pagkakahuli ng suspek noong gabi ng Martes.

Sa ngayon di pa rin matanggap ng mga kaanak at kapamilya ng biktima ang kababuyang ginawa ng suspek sa kanilang anak.

Isinailalim na si Kristina sa comfort management ng DSWD Carmen habang inihahanda naman ng Carmen PNP ang kaukulang kasong isasampa laban sa nasabing suspetsado. (Rhoderick Benez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento