Ayon sa report abot sa 70 mga estudyante ang
sumailalim sa nasabing programa na nahahati sa dalawang batch.
Karamihan sa mga ito ay na-assign sa opisina
ng munisipyo ng Kabacan at sa ilang mga pribadong kompanya sa bayan.
Ang nasabing programa ay taunang isinasagawa
tuwing summer upang mabigyan ng trabaho ang mga estudyante habang nasa bakasyon
at ang bayad na kanilang matatanggap ay maaring pang-enroll sa pasukan.
Tatanggap ang nasabing mga estudyante ng
P2,500 mula sa LGU o sa kompanyang pinagtatrabahuan habang P1,680 naman ang
magiging counterpart ng DOLE sa kanila. (Rhoderick Benez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento