NEWS UPDATES

Kabacan, kauna-unahang maglulunsad ng Gender Welfare Assistance Center (GWAC) sa North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/May 29, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ni Local Council of Women chairperson Yvonne Saliling ang lahat ng mga stakeholders, partikular na ang mga transport group at ilang mga sektor ng kababaihan na suportahan ang Gender Welfare Assistance Center (GWAC) sa bayan ng Kabacan.

Ayon sa opisyal, ang bayan ng Kabacan ang kauna-unahang mag-lulunsad ngayong araw alas 8:00 ng umaga ng nasabing center na isasagawa sa Kabacan Terminal Complex, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Katuwang ng LCW ang LGU Kabacan sa pagpapasinaya ng Gender Welfare Assistance Center (GWAC) na dadaluhan mismo ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.

Ang center ay isang cubicle na nasa loob ng terminal kungsaan may mga pasilidad ito para sa mga nursing mother na doon nila maaring pasusuin anak o sanggol na dala habang nasa biyahe.

Maliban dito, may mga aklat din sa loob ng GWAC bilang kids lounge din para sa mga bata na maari nilang basahin habang naghihintay ng sasakyan.

Dagdag pa ni Saliling na may mga health aspect din ang GWAC na pangungunahan ng taga-Rural Health Unit kagaya ng BP monitoring at first aid.

Ang GWAC ay programa ng pamahalaang lokal ng Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor George Tan sa pakikipagtulungan ng Local Council of Women sa inilatag na proyekto ng Gender and Development Welfare ng LGU para sa lahat ng mga bumibiyahe partikular na sa mga bata at mga kababaihan. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento