NEWS UPDATES

Isang nakakadudang bagay bumagsak sa lote ng isang pulitiko sa Kidapawan City

(Kidapawan City/May 7, 2012) ---Dakong alas-dose ng hatinggabi noong Linggo, nakita ng mga trabahante sa farm lot ni dating Cotabato 2nd district Representative Bernardo Pinol, Jr., sa Kidapawan City na bumagsak ang isang umano ‘suspicious-looking object’.
       
Para makasiguro, humingi ng tulong sa mga pulis si Pinol.
       
Dumating ang mga pulis, bandang alas-1230 ng umaga, kahapon, sa farm lot nito sa may Barangay Meohaw.

       
Ang naturang bagay ay may nakasulat na, “Lockheed” na tila brand name raw nito.  

Gawa raw ito Mexico at may address na Marion, MA 02738 USA. Hindi ito kabigatan, ayon sa mga pulis.
       
Nakakabit rito ang isang pumutok na lobo na, ayon sa mga pulis, ay siya’ng nagdala sa naturang bagay sa nabanggit na lugar.
      
Duda ang mga pulis na isang weather data gathering instrument pala ang bumagsak sa bukirin ni Pinol.
      
Pero posible rin naman daw na ‘spy plane’ ang naturang bagay dahil may device o transmitter na nakuha sa loob nito.
      
Kaya’t patuloy ang kanilang imbestigasyon at pag-alam kung ang bagay na nakitang bumagsak sa lote ni Pinol ay isa nga ba’ng weather data gathering instrument o isang spy plane.
       
Nananatiling nasa kustodiya ng Kidapawan City PNP ang naturang instrumento.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento