Ito ang napag-alaman mula
kay Senior Fire Marshall Ibrahim Guiamalon kungsaan aabutin pa umano ng lima
hanggang sampung minuto bago mabuksan ang lock ng fire exit ng 8 Furtune, isang
department Store na nasa National Highway.
Kaya naman, ikinababahala ito ng opisyal,
sinabi ni Guiamalon sa pamunuan ng nasabing department store na mas mabuting
ayusin sa lalong madaling panahon upang madaling lisanin ang lugar sa
pamamagitan ng fire exit sakaling may sunog o sakunang mangyayari.
Maliban dito, nakatambak rin umano ang mga
light materials kagaya ng cartoons sa bodega ng sugni super store na possible
rin daw umanong pagmulan ng apoy.
Habang may kaunting violations naman ang
gusali ng NovoJeans na di pa nabamggit ng opisyal.
Sa ngayon, magpapatuloy pa ang kanilang
operasyon para tiyaking nasa ligtas na kondisyon ang lahat ng mga gusali sa
Kabacan.
Sa susunod na linggo ay isisnod naman nila
ang mga dormitories at mga lodging houses sa bayan. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento