Ito ang sinabi ni OIC Cotabato District
Engineer Mamintal Taha sa panayam.
Ang Masulot Construction ay nakabase sa
Cotabato City.
Sa panayam, sinabi ni Taha na sila na mismo
ang nag-rekomenda sa DPWH central office na i-terminate na ang kontrata ng
Masulot sa Arakan highway.
Mataas daw ang negative slippage ng trabaho
ng Masulot, ayon sa report ng DPWH.
Ang Masulot Construction ang nakakuha ng
road concreting project sa may Barangay Naje patungo ng Barangay Doruluman sa
Arakan, North Cotabato.
Kapag naaprubahan na ng DPWH central office
ang termination ng project sa ilalim ng naturang contractor ay agad isasagawa
ng Cotabato First Engineering District ang negotiated contract. (Malu Manar)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento